Let's Play😛

Noong nakaraang buwan, ipinagdiwang namin ang "NUTRITION MONTH". Maraming naging aktibidades sa araw na iyon. Pero ang inakagusto kong aktibidad ay ang paglalaro ng mga parlor games. Ang nilaro naming mga Grade 10 ay "Catching The Dragon's Tail". Sa totoo lang noon ko lang nalaman ang napakagandang larong ito. Sa larong ito, pwede kang masaktan o makasakit ng iba, minsan nga nagkakapikonan pa, pero kahit na ganon ay masaya parin kaming naglaro. Dahil sa sobrang determinasyon at pagkakaisa ng 10-A, sila ang nag uwi ng panalo.
Sa larong ito masusubukan ang pasensiya, pagkakaisa, pagiging sport at determinasyon ng bawat isa kaya mas nakakatulong ang larong ito sa mga kabataan kaysa sa mga larong nasa mga gadgets.

Comments

Popular Posts